Panata na ata ng high school barkada ko ang magsamasama dalawang araw matapos ang pasko. Bukod kasi sa paniguradong libre kaming lahat at may pera mula sa nakalipas na okasyon, kaarawan din ito ni Bel (isa sa mga matalik kong kaibigan) Pero ayon sa kwento samin ni Bel, September 27 talaga ang birthday niya, nagkamali lang ng lagay sa birth certificate at naging December.

Alin man ang katotohanan, December 27 will be one of the two important dates ng barkada. November 2 (birthday ni Gara) at December 27 lang kasi talaga kami nakakapag bonding, tipong walang oras na kailangang alalahanin o projects at gawaing hahadlang sa walang katapusang kwentuhan at tawanan. Swerte na kung makapagsama-sama din kami sa ibang birthday celebrations, pista at ibang events ng iba pang kasamahan ng barkada.

SWAK

 

SWAK

Nitong Huwebes, araw nanaman ng pagkikita namin. Bumisita nanamin kami sa kaharian ni Bel. Medyo malayo at nakatago sa usok ng mga sasakyan. Isang simpleng tahanan at malawak na taniman na may kubong taun-taong nagduduyan sa aming magkakaibigan. Naligo kami sa lawa, kumain kami ng pako, kalamay, native chicken na kinatay at niluto ng lola niya na mabilis din naming nakasundo at nakawentuhan.

 

 

Hindi inaasahan ni Bel na darating ang iba pa niyang mga kaibigan bukod sa amin na naging parte din naman ng masaya’t simpleng araw na iyon. SWAK

Tumatanda na nga kami, patuloy na lumalawak ang mga taong nakikilala at nagiging parte ng aming mga kanya kanyang buhay. Napansin ko rin na iba na ang mga napag-uusapan namin at napagkukwentuhan. Malayo na sa mga simpleng bagay na noo’y akala namin komplekado na.

Sa kabuuan kulang man ang barkada, alam kong tumatanda kami kasama ang pagtanda ng isang samahang may pinagkakatandaan. SWAK