kulotskie

kulotskie

Sahod kanina, kaya may pambayad ako ng utang.

Magbabawas ako ng utang na istorya sa blog ko.

Umpisahan natin ang kwentuhan sa “goodbye hair” moment ko. Mahigit isang buwan na nang huli kong post, ilang buwan na rin akong hindi nakakauwi sa bahay, at mahigit anim na buwan naman na nang huli kong pasok sa barberya. Lahat ng ‘yon tinabas ko ngayon.

Kahapon, nasa rehearsal studio ako.

Sisa: tara Elias pagupit tayo!

Padre Salvi: Ou tara, dyan na lang sa David’s.

Elias:  Sige! Sige. Tara!

Director: ‘wag.. Huwag kang papagupit.

Kanina, sahod. Lahat ng cast present. Si Ibarra bagong gupit. Mukhang pineapple. Okay lang kay direk. Si Sisa bagong gupit. Kamukha ni Dora ‘yong dalaga version. Okay lang kay direk. Si Basilio bagong gupit. Mukhang isda. Okay lang kay direk. Lahat okay lang kay direk pwera lang ako.

Eksena sa loob ng opisina ni Direk. Tumatanggap ng sahod si Ibarra.

Elias: Sir! Ganda ng gupit ni Ibarra no?!

Direk: Ou nga, tutubo pa naman ‘yan sa next show.

Elias: Ou nga sir! Pagupit na rin ako ah?

Direk: ‘wag.. Huwag kang papagupit.

Kani-kanina lang, kasama ko si Victorina.

Elias: Malungkot ako. Plano ko na talaga mag pagupit after ng shows natin sa Isabela eh.😦

Victorina: Naku ayaw ko na malungkot ka! Kung gusto mo pagupit, pagupit ka. Tara samahan kita, papafull bangs ako!

Pagdating sa parlor..

Tinginan lahat sa amin, sa akin.

Ako: Papagupit ako.

Pagkaupo ko, mag-iisip pa sana ako, pero wala na akong nagawa, na-excite si manong gupitero, inumpisahan agad ang pagtabas.

Paglabas ng parlor, mukha na akong army. May full bangs na si Victorina. Tawa kami ng tawa. Everybody happy, ewan ko lang kay direk. Bahala na!🙂