2nd Cinekabalen's Best Screenplay, Best Direction, and Second Best Film.

2nd Cinekabalen’s Best Screenplay, Best Direction, and Second Best Film.

 

Dahil nga medyo failed ang una naming subok sa paggawa ng film. Pinag crash course muna kami ni Miss O, kasama ko si 103 ang director of photography ng team. https://kaloytoots.wordpress.com/2012/09/24/sineklab-911-1412/

Pagkatapos ng apat na araw ng pakikipag kwentuhan, bolahan at masidhing pakikinig kay Sir Edward Cabagnot.. Feeling handa na kami para sa aming pagbangon!

Ooops! Pero hindi ganun kadali ang lahat. Malapit na ang Cinekabalen. Wala ng oras. Kung meron man, konti na lang. Kasing konti ng binibigay na ketchup sa McDonalds. (except na lang kung masipag kang magpadagdag at humingi)

Sa meeting..

Miss O: Kaloy! Gumawa ka ng kwento 2-3 characters, sa bahay lang ang location, walang outside scenes. Ganito, ganyan, ganyan, ganito!

Kaloy: Ok?

Sa harap ng computer.

Kaloy: Isip.. isip.. isip. isip…. Ting! Lightbulb!

Sa Old Spaghetti House. Meeting.

Kaloy: Na-receive niyo po ang script?

Miss O: Ou. (blanko ang mukha ni Madaam) For me, hindi pa handa ang audience for that kind of story. (patay! kailangan isalba ang pinagpuyatang eyebags.)

Todo kwento ako sa mga un-imaginable na eksena ng isinumite kong skripto.ย  Halos mag monologue na ako at magdrama mag-isa sa loob ng restaurant para lang maipakita ko ang kwento ng kwento ko. Buti na lang napapayag ko si Miss O! Aprobado na ang budget! Tuloy ang production.๐Ÿ˜€

Hindi katulad ng Lablabyu na medyo big budget at may maraming shooting days ang Lakbe (Wander) title ng gawa-gawa kong kwento dahil sa kagipitan sa lahat ng aspeto. Binigyan lang kami ng 1 day shooting budget ni Miss O. Kailangan daw matapos, para maihabol sa kontes.

Official poster of Lakbe (wander)

Kaya bago dumating ang nag-iisang araw ng shootin

g. Halos kulang-kulang isang buwan ang planning.

Tagumpay naman ang shooting day. Nakuhanan lahat ng eksena at mas mabilis pa sa inasahan ng team. Masaya ang lahat, kahit alam naming halfway palang kami. Patayan ang editing.

Araw ng contest. Sa kabutihang palad, nakasali kami. Buti na lang inextend ng ilang araw ang deadline ng kompetisyon.

16 ang lahat ng kalahok. Nag film showing ng hapon, umabot ng gabi. Huling ipinalabas ang sa amin.

Nang ipalabas, walang background music. Hindi d

aw mapick-up. Sarap magmura ng mga panahon na iyon.

Cinekabalen awarding ceremony

Awarding.

Nangangarap kami sa mga minor awards. Kahit minor awards lang, sana.

Wala.

Laging nominated pero hindi nagwawagi. Down to major awards. Hindi nasungkit ni 103 ang Best Cinematography, hindi din nabingwit ni Bench ang Best Actor, pati Best Actress mailap din sa Lakbe. Patay!

Tumayo na ulit si Sir Ferdinand sa stage. Be

st Screenplay na ang inaanunsyo..

Bumulong si Bench sa tabi ko.ย “one time oh!”

Best screenplay goes to.. (drumrolls, kabog dibdib) LAKBE!Lakbe

Next award.

Best Direction. Bumulong ako sa sarili ko. “two time oh!”ย ย ย ย 

Best Direction goes to.. (drumrolls, kabog dibdib) LAKBE!

That time, solb na kami. Ready na kami umuwi bitbit ang dalawang bronze trophy. Pero hindi pa satisfied si Lord.

Next award.Lakbe

Runner up for best film. Kulay silver na trophy at tumataginting na labing limang libong piso.

Second best film goes to.. (drumrolls, kabog dibdib, kagat labi!) LAKBE!

 

The rest is history; a beautiful memory.

LAKBE POSTER 2