Kapag manunulat ka, o feeling manunulat ka. Darating ka sa puntong para kang ballpen na nagtatae. At wala kang ibang magagawa kundi hayaang bumulwak ang timba timbang tinta.

Isang gabi nakaupo ako sa harapan ng desktop namin. Ting! light-bulb! Nagsulattype ang mga daliri ko sa kwentong tuloy-tuloy na ikinukwento ng utak ko. Mabilis, at pabilis ng pabilis. Introduction, setting, characters, rising action, climax! Fallinf action at hanggang sa conclusion at wakas. Hindi ko namalayan umaga na, nang matapos kong isulattype ang kwento. Ang title. Kalasing in tagalog Ang Manginginom in English… kamut ulo, bahala na kayo.

Sa sobrang excited at pagka bangag ko sa kawalan ng tulog. Naikwento ko ang kwento kay future producer ni Kaloy na itago na lang natin sa pangalan Miss O.

Kwento lang ako, kung paano ikinwento ni utak ang kwento kay kamay na siyang itinayp ni daliri. Bibig nga lang ang gamit ko ng mga panahong ikinikwento ko ito kay Miss O.

Pagkatapos marinig ang ending… Akalain mo! Nagustuhan niya!

At ‘wag ka! Gusto pa niya itong iproduce at gawing indie film. Wow! As in.. W (space) O (space) W! With matching wide mouth and eyes open! W O W!!!

Instant direktor/script writer ako.

Interior, loob ng bahay ni Merlyn with her daughter Tomylyn (Lablabyu)

Interior, loob ng bahay ni Merlyn with her daughter Tomylyn (Lablabyu)

Interior loob ng bahay ni Merly (Lablabyu)

Interior loob ng bahay ni Merlyn (Lablabyu)

 

 

 

 

 

 

Kaso hindi din natapos ang shooting. Mahirap hanapin si Paul https://kaloytoots.wordpress.com/2012/07/27/paul-hunting/ bukod doon, nagka

bulutong ang bida naming lalaki. Patay!

Malapit na pa naman ang Cinekabalen, local independent film competition sa Pampanga. ‘yon panaman sana ang tinutumbok naming salihan para sa Kalasing na pinalitan namin ng title na Lablabyu..😦

Outside scene (Lablabyu)