Kakauwi lang namin galing sementeryo, ilang undas na din ang lumipas ng huli kong bisitahin ang puntod nina lola at kuya. Sa pagkakatanda ko, bata pa ako nun at payatot.

Simula kasi ng tinamad magsama ng batang makukulit kami ng mga kapatid ko mauso ang mga bomb-treat sina mama na lang ang nagtitirik ng mga kandila para sa kanila. Madalas sa may pintuan na lang ako  naglalaro nanunuod ng kandilang kumekendeng at nag-iispageti pababa hanggang sa maupos ito.

Pero dahil bombproof na ata ang Holy Mary Cemetery at wala namang napapabalitang bombahan at may bago ng bulinggit ang pamilyang kailangang ma-experience ang one in a year pasyalan sa puntod ng mga mahal namin sa buhay- napagpasyahan naming gawin ang dati. Parang remake ng isang bagong penikulang naghanda ng makakain si mama at mga chitchiryang binaon namin at nilantakan habang inuupuan ang madamong espesyo ng pinaglibingan kina lola at kuya.

Para akong timetraveler na bumalik sa nakaraan, pero bitbit ang katandaan at mga pinagkatandaan.

Dati hahawak lang ako sa kamay ni mama habang nilolocate niya ang puntod na pagpipicnikan namin, ngayon nakikialam na rin ako sa mga estratehiya upang matunton ang pinaglagakan ng mga labi ng aking mga kapamilyang hahandugan ko ng dasal at pag-alala.

tinititigan niya ang mga dala naming pagkain

Dati hihintayin ko lang maupos ang mga kandila para may maisilid ako sa aking plastic bag at maipagyabang sa mga kapatid kong nangongolekta din ng kandila na itatapon

lang din naman namin pagkatapos gawing bolang kandila at paglaruan. Ngayon ako na ang naghighlight sa mga letra ng lapida ni lola pagkatapos itong linisin.

Ako narin ang nagsindi at nagtirik sa mga kandilang dala namin.

Ibang-iba na ang role ko sa pamilya, lalo ko pa itong narealized dahil kasama namin ang makulit at ang malikot na si Aki. Nakatutuwang isipin na dati kaming magkakapatid ang hinahabol at tinatakot ni mama na kapag hindi kami nag-behave ay ipamimigay niya kami o di kaya’y may multong lalabas. Ngayon isa na ako sa mga humahabol at nag-iisip ng kung anu-anong panakot para lang wag masyadong maglikot itong pamangkin ko na anak naming lahat.

kapag sinabi ko kay Aki “lablab” yayakapin nya ako at walang humpay na hahalikan!!🙂

Alam ko payapa na sina kuya, lola at lahat ng kapamilya naming sumakabilang buhay na. Hangad ko ang patuloy nilang pag-aantabay at walang humpay na kwentuhan kay Lord!

Nga pala, nung nakaraan linggo nag trick or treat kami ni Aki. Pareho naming first time! Siya si Superman, ako si Cameraman!!😀

trreek oy churit ganyan niya bigkasin ang trick or treat!