It’s been a long time since I updated my blog. I was busy doing nothing and every time I try to hit my keyboard my mind would left me hanging- eyes wide open and forcing myself to collect my lost thoughts. Most of my recent poems are written out of boredom, by-product of those sleepless nights with my forever partner- my cellphone whenever my pen and paper are playing hard to find.  Ooops! Hindi ako galing ng ibang bansa sinubukan ko lang umingles ng konte kahit pang intro lang! Malamang kapag nabasa ito ng english teacher ko nagsisisi siya na ipinasa niya ako! Bwahahaha nasa huli ang pagsisisi maam.😀

Ayon nga, etong linggong ito binigyan ko ng bakasyon ang sarili ko. Mahirap ipaliwanag ang trabaho ko ngayon pero theater actor padin naman ako at si Elias padin ang binubuhay ko sa teatro, medyo naki-epal lang ako sa producing ek.ek.
Marketing chuba chuba kung saan kinailangan ko magmukhang kagalang-galang at respetadong tarantadongtao. Sinikap itago ang nangungulot at humahaba kong buhok! Mukha na akong rockstar ermetanyo sa hairstyle ko pero ayaw ko parin itong ipagupit kahit nagwewelga na ang mga tao sa aking paligid. Minsan lang itong pagkakataon na ito sasamantalahin ko na. Susubukan kong i-explain further mamaya.

Ngayong taon nag-disinuwebe ako. Kahit mahirap paniwalaan ‘yun ang katotohanang sinasabi ng birth certificate ko. Sabi kasi madalas mukha daw akong mas matanda sa edad ko which is okay lang naman sa akin dahil most of the time napapakinabangan ko ito. Age matter parin kasi kapag sa mga usapang matanda na nasasalihan ko dahil na nga sa mukha, kilos at isip lolo Basyang na ako- sabi nila.

Pero recently parang nagkatotoo ang sumpa, dati alam ko lang na hindi ako mukhang bata pero parang napansin ko kamakailan lang na parang may nag-iiba nga sa akin. Superhero ata ako! Parang lumaki lahat sa akin (oh wag masyadong mag-isip kung anu-ano ang mga iyon baka hindi ka makatulog) feeling ko tumangkad ako, parang bigla ko din naisip kung magiging kamukha ko ba ang magiging panganay kong anak o kung nabayad na ba ang kuryente at tubig sa bahay?

Drastic ang mga pagbabago, parang mas lumalim ako mag-isip, naging pakialamero sa mga responsibilidad at mas naging futuristic ang aking imahinasyon.

Isang gabi habang nakikipag tongits (oha tumanda talaga! Hindi na jakenpoy tongits na!) ako kay tulog, naisip ko kung nasan ba ako? Sino ba ako? Tinanong ko pa nga ang sarili ko kung may amnesia ba ako kagaya ni Lovi Poe sa bago niyang teledrama sa hapong “Yesterday’s Bride” sa dramarama sa hapon ng GMA 7 o kagaya ni Dao Ming Su sa sinubaybayan ko noong Meteor Garden.

Bigla akong nag-reassess  ng priorities, nag reformat ng goals and objectives at suddenly it’s magic! Ako na si Thai actor Mario Maurer!! At katambal ko na si Erich Gonzales. Nangarap?

So far plano ko na bumalik ng school, next school year sayang din kasi ang kurso ko at dalawang taon na lang din naman para matapos ‘yon. Kaya nga okay lang muna ang long hair hanggang bago magpasukan.. Sa kurso ko kasing BS HRM puro clean cut at bawal ang mukhang kontrabida gaya ni Max Albarado ragged look.

Baka maghanap din ako ng trabahong makakasustento sa pag-aaral ko pag-apak ng January. Nakakahiya kasi kina mama na binitawan ko ang iskolarship ko para mag teatro. Pero ang maganda lang sa biglang pagbabago ng liko ng utak ko, nakita ko ang real world sa labas ng bahay ni Kuya este labas ng eskwelahan.

Sa ngayon abala parin ako sa mga responsibilidad ko sa Noli Me Tangere: The Philippine Musical Tour. May show kami sa darating na November 27 sa Holy Angel University dito sa Pampanga at sa Isabela sa December 3-7. Nag plug lang pala eh nu?

Reversible parin naman ang mga plano ko sa buhay depende sa magiging takbo ng karera ni Elias at sa mood swings ni Kaloy.

 
Miss ko lahat ng mga ka-blog ko dito a WP!! Peksman. Dahil miss ko kayo bili kayo ng ticker murang mura lang 25ophp!! Tapat na po.