Sa ningning ng buwan

lumiwanag ang dilim,

kumukupas ang takot.

Tatahimik ang pangamba.

 

Ikaw ang aking buwan,

subalit bakit, tila ikaw sa akin

ay nakikipagtaguan. Sa maulap

na langit nawawala ang buwan.