Hinahabol ko nanaman siya.

Nakikipagbuno sa dilim,

habang hinahabol ko siya-

pinipilit ipikit ang mata

at pinipigilang umindak ang kaisipan,

sa saliw ng musikang tahimik.

Isang munting tugtugin

kakambal ng dilim at kakampi

ng mga obra maestrang hinabi

sa pagkabigong mahuli ko siya.