May karapatan kang malaman ang katotohanan.

 

Madaya talaga ang mundo, na lagi kong sinasabi sayo-

sumang-ayon ka din. Bata ka pa nga, kaya pati gravity

idinamay mo. Iba ka talaga! Subalit tama ka ng sambitin

na madaya ako. Dahil ako mismo, dinaya  ko ang sarili ko.

Nang hindi kita nabigyan ng tamang dahilan, upang pabulaanang

madaya ang Earth- gaya ng sabi mo, ng sabi natin.

 

Ngunit kung masasaktan ka lang,

ano pa ang kinaibahan nito sa kasinungalingan?