Pagkatapos nating pitasin-

ang mayuming rosas.

Iwinasiwas mo sa sambayanan

ang bighani ng mga talulot ng bulaklak.

Samantalang iniwan mo ako,

sa galit ng mga tinik-

ng mga pinitas nating halimuyak.