Minsan mas kumpleto ang kulang-kulang, kesa sa mga punong-puno ng kaalaman.

Araw-araw parang bulateng binubudburan ng asin ang schedule ko.

Masaya naman, fulfilling. Sa bawat paglubog ng araw may ngiti ang buwan.

Kahit mainit sa labas, at umuusok ang bawat pwet ng mga jeepney driver.

Madalas mapagbiro ang tadhana, mahilig mag-joke, mamikon, at makipaglaro.

Nakakatamad ang walang ginagawa, nakakapagod ang meron- nakakapagod talaga.

Kapag itim na ang puti, dapat kang umaklas, bumigkas, tumaliwas sa tiwali.

Para ngumiti ang buwan, kahit mainit ang araw. Kahit masakit, kahit mahirap.

Fulfilling, at maraming kang malalaman. Kaibang kaalaman kumpara sa eskwelahan.

Dapat kang kumapit, sumuko at muling lumaban sa iyong pinaniniwalaan.

Para sa huli, masarap ang tulog mo kasabay ng buwan na nakangiti.

Minsan mas kumpleto pa ang araw, kapag may nilalabanan, ipinaglalaban.

Kesa sa mga nakaupo lang sa jeep hinayaan na lamang na kulang ang sukli.