Umulan kanina at namiss kita.

Biglang bumuhos ang tubig,

sumilong ang madla.

Habang lumuluha ang langit.

Lahat nagtago, wala

ni isa man ang lumapit

tumulong nag-abala

na magtanong kung ayos lang ako.

 

Pero ‘wag kang mag-alala

okay lang ako, sadya lang talaga

umulan kanina at namiss kita.