Mahirap iwaksi

ang basurang ugali-

nakagawian. Magpakabuti

sa harap ng huradong hindi

mabait. Kalaban ang sarili,

sarili’y katunggali.

 

Papatayin mo ang ikaw,

at gagawing nakaraan-

magbubunyi ang kabutihan.

 

Habang namamatay

ang kasamaang,

ikaw din naman.