Bakit mo tatandaan ang isang masamang bagay o pangyayari sa iyong buhay?

Bakit mo pag aaksayahin i-kwento ang pangit na karanasan?

At bakit kailangan nating tanggapin na may mabuti sa kasamaan?

Nitong mga nakaraang araw todo medyo hinawi ng hangin ng electic fan na nasa likuran ko sa mga oras na ito ang kampanya kong “teampositive” lang! Medyo kasi pumalya ang ihip ng hangin at napasimangot ako. Sumandaling nabura ang ngiti kay Kaloy.

Sabi nila lahat naman, nagkakaroon ng family problem, tipong pang MMK na problemang hindi lang pampamilya pang box office pa! At ang swerte ko lang daw na ako ang pinili ng magic tombola.

Hindi ko malilimutan ang bilang ng mga luhang pumatak sa mata ko ng gabing iyon, kung ilan ang head counts ng mga balahibong nag-standing ovation para sa munting palabas kung saan ako at ang aking ina’t kapatid ang mga klasikong bida habang sarili kong ama ang villain at ax ang pambato niyang sandata. Astig hindi ba? Sa palagay ko nominated ako as best actor sa susunod na FAMAS awards at best supporting ang tatay ko in his most realistic kontrabida role.

Hirap magbigay ng detalye, pero kapag nasa shooting ka pala ng sarili mong buhay ang hirap mag-call a friend kase 50/50 ka.

Buti na lang talaga biniyayaan ako ng mga spongebob friends ni Lord. (Sarili kong terminolohiya sa mga kaibigang pati utot at baho ng hininga mo tanggap nila.)

Sabi ko nga sa status ko sa facebook: Mabilis talaga bumangon kapag nandyan ang mga kaibigan na handa kang alukin ng helping hands tapos wanpeyk lang pala! Pero atlis nakatawa kana, at yun ang tunay na pagbangon.πŸ™‚

Pero may mga pagkakataon talagang magsasabay sabay ang bagyo. Tipong parang ginawang pasyalan at tambayan ang buhay mo ng mga delubyo.

Masakit kapag sinabihan ka ng “I am not your friend. The same way you are not mine. You don’t know how to be one to yourself. that’s why you don’t know how to be a friend to me either.” pagkatapos mo pinilit bumangon sa nakapanlulumong sitwasyon. Tipong.. Boom! Heto nanaman po ang bagyo kumakaway-kaway nanaman sa dungawan mo. With matching killer smile at hawi sa baduy nitong bangs.

Pero that’s life, sabi nga nila. Shit happens at walang sinabi kung ilang beses pwedi mangyari sayo ang shit na mga ito. Pero may kasabihan din namang “happiness is a choice” na subok at tested ko na mula noong magpasya akong pumanig sa team positive.

Kapag tambak ka ng problema gusto mong ipangalandakan sa mundo, ganun naman talaga, hahanap ka ng outlet. Pero hindi mo naman makakayang idetalye ang lahat kaya para sa akin ang pagsabi sayo ng isang kaibigan na may nararamdaman siyang sakit ng katawan o kung ano pa man ay malaki ng bagay. Kasi somehow ibinahagi niya sayo ang hindi niya mailabas labas na dighay sa mundo.

Gusto ko sana tumambling pabalik sa kalungkutan pero naalala kong choice pala ang saya at ayaw kong mabalot nanaman ng simangot ang positibo ko ng mundo. Kaya eto na lang ang ibinalita ko sa madlang pipol.

Pagkatapos ng ilang oras na pakikipagbuno sa labada, uulan lang din pala. #teampositive padin ako! Kaya kong labhan ulit ito.πŸ™‚ (mula sa facebook status ko)

Narito ang mga natutunan kong mabuti sa masama:

  • Natututo ka.
  • Nakikilala mo ang sarili mo.
  • Nakikilala mo ang mga tao sa paligid mo.
  • Tumitibay ka.
  • At napapalapit ka sa Panginoon.
  1. Eto lang ang payo sa akin nung kaibigan kong may edad na: (Clue medyo above 20’s)

“Mind is not about numbers, it’s about the process.”

2. Eto naman ang sabi nung kaibigan kong bagets katulad ko:

“ay gnon. pero kung mkpag-comment nman xa, wagas! hahaha…feeling mentor sa protege! hehehe.

ou nga yaan u nlang xa. bsta go lang ng go sa buhay! hahaha…”

—-

Sa kabuuan natutunan ko na minsan may mabuti sa masama. Gaya ng mga nabanggit, at may masama sa mabuti, gaya ng kotrabida role sa MMK episode ng pamilya ko, at sa feeling mentor sa protege na tinuring kong kaibigan.

P.S Paki hashtag naman ang #teampositive sa twitter ah? Baka sakaling mag-trending! Haha palaganapin ang tuwa sa madla, hindi ‘yung kontrabida ka na nga, dagdag simangot ka pa, sa buhay ng iba!πŸ™‚