Hindi para sa tamad ang pagsusulat.

-Bob Ong (Stainless Longganisa)

Eto na tayo kay BOB ONG. (Matagal ko na gusto magsulat tungkol sa kanya, pero natatakot ako.) Isa siguro siya sa pinaka-kinatatakutan ko, at idolo ko at the same time. Sino nga ba sa mga Pinoy, mambabasa man o hindi ang hindi nakakakilala sa kanya?

Nakita ko lang ‘to sa web. This is not mine. Uy English!

The six books he has published thus far have surpassed a quarter of a million copies.

Filipinos really patronize Bob Ong’s works because, while most of his books may have an element of comedy in them, this is presented in a manner that replicates Filipino culture and traditions. This is likely the reason why his first book – and those that followed it, can be considered true Pinoy classics.

-http://en.wikipedia.org/wiki/Bob_Ong

Aminado ako, isa ako sa mga milyong fan ni Bob Ong.

Astig naman talaga kasi siyang magsulat, bukod doon, totoong sikat na sikat na sikat na sikat na sikat na siya.

Tapos mysterious pa ang tunay niyang pagkatao, (para tuloy siyang isang bituin na nakikita mo lang, pero hindi mo pwedi hawakan, makausap, o kahit man lang mapasalamatan.)’yan panaman ang panlasa ng Pinoy. Misteryosong tsismis, tipong hinahabol-habol natin ang wala, hinahanap natin ang ayaw magpahanap, at pinagkwekwentuhan natin ang mga kuru-kurong, gawa-gawa lang.

Komedyante din si Bob Ong, alam ng lahat ‘yon. Pero hindi lang siya basta nagpapatawa, kasi may pinatatamaan siya. At madalas, tayo ‘yon.

Sa siyam niyang librong naisulat at lumabas sa National Bookstore, isa lang ang nabili ko binili ni mama para sa akin, (Stainless Longganisa) pero lahat nabasa ko.

Sa tulong narin ng mga kaibigan at library, nakilala ko ang likhang Bob Ong. Hindi maitatanggi na napaka galing niyang magpatama ng tao.

Magpatama in a sense na habang binabasa mo siya, eh talagang magkakatopak ka: sa kakatawa, kakaisip at sa sakit ng mga patama niya sa lahing Pilipino na kinabibilangan ng tayo. Na buong gilagid nating pinagtatawanan.

Masasabi kong malaki ang utang na loob ko kay Bob Ong (Kahit hindi naman talaga dapat magkaroon ng utang na loob, dahil wala namang pambayad doon) Siguro naging isa lang talaga siya sa mga inspirasyon ko. Kaya nga kinatatakutan ko siya.

Nakakatakot na dahil sa kasikatan niya, lahat ng manunulat, nagsusulat, magsusulat at gustong maging manunulat kagaya ko na mahawig lang ang istilo sa kanya, agad ng sinasabihan ng “parang BOB ONG” nagkakaroon tuloy ng identity crisis ang mga writers wanna be.

Kapag ba gusto mong maging unique kakain ka gamit ang paa? Kasi kapag kumain ka gamit ang kutsara’t tinidor, wala ka ng originality. Kasi, may nauna na sayong sumikat gamit ang ganoong style?

Hindo ko inaaway si idol Bob Ong, saludo ako sa kanya! Itanong mo man sa kopya ko ng Stainless Longganisa na pinabili ko padin kahit nabasa ko na, at paulit-ulit ko paring binabasa na hindi nayuyupi ang mga pahina.

Gusto ko maging manunulat, pero ang bigat naman ng sinabi ni Bob Ong na hindi ito para sa mga tamad. Kasi minsan ang katamaran hindi lang dahil tamad ka, kundi dahil din sa minsan, parang wala ka ng lugar sa mundong gusto mong pasukan.

Oops! Mukhang negative ang dating ng huli kong sinabi, ipagpalagay na lang natin na…

Hindi siguro lahat ng pangarap natutupad, pero habang tinatrabaho mo at pinagpapaguran mo ang ‘yong pangarap, tiyak, pasasaan man, ika’y may patutunguhan.🙂

P.S: Idol Bob Ong! Kape tayo minsan ahh? Hehe.

Don’t worry hindi ako papalibre, KKB.