Pangarap ko talaga makasulat ng isang nobela,

pangarap ko din makapag publish ng libro.

Sana dumating ang panahon na ang mga pangarap na ito,

ay magkatotoo.

-Kaloy

Matagal na naka draft sa USB kong color blue ito, isa sa mga likhang natira pagkatapos akong iwanan ng USB kong kulay green. (Kapag naaalala ko, nakakalungkot parin ang mga storyang naitapon. Nawalang parang bula.)

Pero dahil #teampositive na ako ngayon! Iwanan na natin ang mapait na nakaraan at paghandaan ang nagbabadyang magandang bukas at kasalukuyan.

Eto ang bagong blog page ko dito sa wordpress. Presenting (drumrolls)

Lab Istori (Nakarelate ka naman)

Sana mabisita niyo, sana mabasa niyo, sana subaybayan ng tao, bigyan ako ng komento para sa ikahuhusay ko.🙂

Ipapaskil ko sana sa wattpad, kaso mukhang wala akong lugar doon, o dahil siguro sanay na ako sa mga tao dito sa wordpress.