Hindi ako nakatambay kagabi, paano kasi may lakad ako ng wanterti.. Nagising ako ng alasdose, nagmdali ako naligo, kumain, nanuod ng tv, sinubukan ko pa ngang mag-internet kaso pinagpawisan lang ako kakatroubleshoot ng internet connection.

Ayun may nagtext! Nag reply ako.

“Papunta na, on the way.” (pero nag tu-toothbrush pa ako ng mga oras na ‘yon.)

Masaya naman ang mga lumang barkada kahit namuti na ang mata sa kakahintay sa akin, litaw ngiting gilagid parin nila akong sinalubong. Lahat naka school uniform, ang gagara!

Kwento, kwento, kwento.. (Ang sarap balikan ng mga lumang kaibigan. Hanggang sa…)

Mag libre ka naman! (Naalala ng mga kolokoy na huminto ako para mag trabaho sa teatro. parang ang dami ko na sinweldo eh)

Ayun, naawa naman ako dahil nag cutting class pa ang mga gago para lang makalibre ng Mcdo makasama ako.

___

Masaya na sana, kaso pag-uwi ko ng bahay may nasagi ata akong nuno sa Mcdo. Todo atching, sipon, ubo at sakit ng ulo ko.

Pero on the brighter side, nakatulog ako ng maaga mga 10pm. (Maaga na ‘yun compare sa usual sleeping time ko na 3-5am)

zZzzZzzZZzZ (Tulog snorlax daw ako sabi ni ate.)

__

Tapos ayun! Nagising ako ng alasdose ng madaling araw. Hindi na ako pinatulog ng utak ko hanggang alas singko. Kaya panigurado busy ako mamayang gabi nito, kakasulat ng mga liku-liko kong kwento.

~ Birthday pala ni Sisa ngayon, makikikain muna ako bago ko simulan ang nobelang pinamagatan ng utak ko: “Ana, Karen, Nina, ang triplets na bampira!”🙂