Dahil ito ang unang araw ng pamamaalam ko sa ka emohan, susubukan kong magsimula sa simula. Tutal ang blog na ito ay intended naman para sa kwento ng kusinero at ako ‘yun kahit hindi pa ako certified chef. Epal lang kumbaga.
Lets get a little more personal akalain mo nag english ako! mula ngayon.

Sino nga ba si Kaloy?

Kanina lang hinalungkat ko ang mga photo albums ko sa peysbuk at napaka dami ko pala talagang private albums. At kapag sinabing private alam mo na! Pero may mga naka private na wala naman kakwenta kwenta ang laman ewan ko ba bakit naniwala ako sa tatay ko na dapat itago ang mga pictures namin sa virtual world, dahil baka gamitin daw ang mga ito sa kahalayan (para namang kahalay halay ang itsura ko) at ibang masamang bagay. (baka biktima ng mga poser at plagiarism ang tatay ko dati)

Ako si Carlo Enciso Catu (First time ko sinabi ang buong pangalan ko at to be honest natatakot ako dahil baka tama si tatay! Praning lang.) As much as possible hindi ko ginagamit ang buong pangalan ko sa kahit anong social networking sites, madalas Carlo Enciso lang ang gamit ko. Mukhang panghapon kasi ang Catu at ayaw ko pinagkakamalang hapon, koreano, o kahit anong lahi. Proud ako sa pagka Pinoy ko! ‘yan ang kunware kong dahilan kung bakit hindi ko ginagamit ang Catu. Pero ang totoo, masyado kasi maikli kapag Catu pa ang ginamit ko. C A R L O C A T U (Tatlong segundo lang tapos mo ng bigkasin) nine letters lang masyado kuripot ang dating. Tsaka C.C ang initials parang nagSISI ang mundo sa kapanganakan ko. Buti pa ang C.E parang “SEE”

“C.E may binatbat ang tsinitong si Kaloy!” kapal!

At dahil nga magkakaPERSONALAN na tayo mula ngayon, maglalabas ako ng mga pictures ko para sa blog na ‘to.

Mahilig ako mag sulat, dati nung nag aaral pa ako may scratch notebook pa ako para pag-uwi ko ng bahay mailipat ko ang lecture sa totoong notebook ko para maayos ang pagkaka sulat. (Mga unang linggo lang ng klase ko nagawa ‘yon) Ngayon naman sa buhay teatro ko https://kaloytoots.wordpress.com/category/buhay-teatro/ ako ang sekretaryo ng grupo. Mahilig kasi ako sa mga notes dahil makakalimutin talaga ako at may pagka O.C.

Kaya lagi akong may PLANNER eto ‘yong planner ko last year galing sa PAPEMELROTI =, mahilig din ako mag doodle ng kung anu-ano sa mga papel. ‘yan din ang dahilan bakit ako nag blog. Kasi sobrang tambak na ako ng mga scratch paper na puno ng putol na tula, putol na kwento at mga kung anu-anong drawing mula sa itsura ng tao hanggang sa mga out of this world na nilalang.

Likod ito ng planner ko, halos isang taon bago napuno ang page na yan ng mga movie lines, poems, prose at mga drawings tuwing naiinip ako lalo na kapag math subject.

 

Marunong din ako mag gitara. Sapilitang itinuro sa akin ni kuya kasi wala siyang kasama sa trip niyang matuto noon. Pero salamat na din kasi nakahiligan ko din ito. Binilhan ko pa nga ang sarili ko ng gitara noong 17th birthday ko eh. Todo tipid mode ako nun! Pero hindi ako music lover kaya hanggang sa natuto lang ako tumugtog ng crazy for you, huling el bimbo, at mga kanta ng the script TORETE na lang pala ang memoryado ko ngayon.

Noong una halos araw araw ko gamitin ang gitara ko para hindi magasgasan. Pero mga dalawang buwan ang nakaraan, aun si pareng alikabok na lang ang tumutugtog sa gitara kong nagngangalang “TRES” ou may pangalan nga pala ang gitara ko, kasi pangatlong gitara siya na dumaan sa kamay ko. Hmm nasaan na ba si Tres?? Ah! Nasa cabinet, hinaharana ang mga amoy mothballs kong damit.

Working student ako mula High School hanggang College bago ako nag stop para mag teatro. Masasabi kong naging mabuti akong estudyante at anak at the same time. Sa library ako nadistino pagdating ko ng College pero mahilig na talaga ako sa libro 1st year h.s pa lang. Una kong natapos na nobela eh ang “The Notebook” ni pareng Nicholas Sparks at halos binasa ko noon ang mga libro niya. Nitong huminto na lang ako hindi naging updated sa kanya. Mahilig din ako magtext lalo na kapag unli ako.

Mga naging paborito kong manunulat ay halos mga sikat, syempre h.s nakikiuso. Pero hindi naman ako nagsisi dahil kahit papano may mga natutunan ako kina kumpareng Mitch Albom, kumareng Cecilia Ahern, Dave Pelzer at sa kapatid niyang si Richard Pelzer, sa kakwelahan ni Claire Cook, ilan sa mga libro ni James Patterson ay nabasa ko din at karamihan sa mga likha ni Paulo Coelho ay naging paborito ko. Sinubukan ko din intindihin si Stephen King pero hindi ko siya naintindihan. Kung mapapansin foreign lahat ‘yan, hindi ko naman iniisp noon na susulat ako kaya wala akong pakialam kung maturingan akong salot ng mga pinoy writers. Hanggang sa dahil sa kagipitan sa pinansyal na aspeto sinubukan kong magsulat para sa limang libong pisong premyo.

https://kaloytoots.wordpress.com/2012/01/29/kwentong-rosas-ni-beloy/ https://kaloytoots.wordpress.com/2012/01/30/eroplanong-gawa-sa-yellow-paper/ ‘yan ang mga link kung paano ako nagsimulang maging ambisyosong manunulat. At kung bakit kahit papaano e nagbasa ako ng mga libro ng mga pinoy writers gaya nina Bob Ong, Eros Atalia, F. Sionil José at marami pang manunulat at manunulang nakalimutan ko na ang pangalan pero alam kong nagbigay inspirasyon din sa akin para ipagpatuloy ang pagdutdot ng keyboard.

Karamihan mga libro sa library at mga post sa blog.

Mahilig ako lumamon kumain. Pero hindi ko trip ang almusal kasi tanghali na ako gumigising. Bali ganito ang life cycle ng pagkain ko. Kakain ako ng lunch kasama ang tinirang almusal para sa akin pagkagising ko ng mga alas dose. Brunch ko ‘yon, tapos mag mimirienda ako ng mga bandang alas kwatro at kakain na ng dinner by 8 or 9pm tapos kakain ulit ako ng second dinner ng bandang 11 or 12am at kung sinipag pang pumunta ng kusina kakain o maggagatas ako ng bandang 2 or 3am.

Mahilig ako sa mga kulay pulang pagkain, SPAGHETTI ang comfort food ko at kalderetang baka naman ang paborito kong ulam bukod sa sardinas. Take note halos lahat ng kinakain ko pinapartneran ko ng ketchup mas masaya kung tomato ketchup.

Hindi ko masyadong trip ang mga prutas, siguro dahil takot ako sa pakwan. Inuulit ko, TAKOT AKO SA PAKWAN. Kung may phobia ako sa pakwan ‘yon. Kung bakit? Hindi ko din alam. Basta alam ko sa tuwing pupunta ako ng grocery iniiwasan ko ang pakwan section. Kapag umaatake ang pakwanophobia ko (hula ko lang na word un) minsan nadadamay pati sina kalamansi, mansanan, bayabas, atis at kung sinu-sino pang gulay at prutas na may maliliit na buto. Yuck! Pahawakan mo na lag ako ng ipis wag lang buto ng pakwan!

Mahilig ako sa bata, dati. Bago nagka anak si ate at ako ang naging tataytatayan ng bata. Hanggang ngayon dahil tambay ako sa bahay ako ang bantay bata ni Aki (name ng anak pamangkin ko) Hindi siya ‘yong nasa picture. Hindi ko kilala ang batang ‘yan. Basta lang siya naki upo sa pwesto namin habang nagpipicnik kami ng mga kaibigan ko.

 

Eto si Aki, mula ng ipinanganak siya nasa tabi na niya ako. Hanggang sa natuto siyang mag pronounce ng “ma” “pa” at “bui” tawag niya sa akin. Yan kasi tawag ko sa mga kaibigan ko bui meaning boy parang totoy na makabagong panahon. Isa rin siguro sa dahilan kung bakit sa ngayon ayaw ko muna magka pamilya bukod sa napaka bata ko pa, alam ko kung gaano kahirap mag alaga ng bata at kung gaano kagastos ang magkaroon ng makulit na paslit kagaya ni Aki.

Mapagmahal ako, I can say na mapagmahal talaga ako lalo na sa family ko. At dahil nasabi ko na how I loved my mom Joy https://kaloytoots.wordpress.com/2012/02/04/123/  ilalagay ko naman dito kung gaano ko kamahal ang lola ko who pass away last year, at saktong birthday niya ngayong araw na ito. Isang mananahi at caterer si lola reason why I took BS HRM din. Siya ang unang nagturo sa akin na ang pinaka unang sangkap ng pagluluto e pagmamahal. HAPPY BIRTHDAY LOLA!! May pa-spaghetti ba dyan sa langit?? Nood tayo ng PBB ulit kapag nagkita na tayo ah? I love you. Mwah! :*

Kung tatlo lang ang legal na talento dito sa Pilipinas namely Singing, Dancing and Acting. Patay tayo kapag ako ang sumayaw, at literal na mamatay talaga tayo kapag ako ang kumanta. https://kaloytoots.wordpress.com/2012/06/24/noli-5-2/ Pero masasabi kong pamatay ang Acting ko! Naks.🙂 https://kaloytoots.wordpress.com/2012/08/24/noli-me-tangere-an-adaptation-the-philippine-musical-tour/

Second to the last na personal thing about me. Huwag mo ako tinatakot! Dahil matagal na akong takot. Hehe. Matatakutin talaga ako, kaya paniguradong mag-eenjoy kang kasama ako manood ng horror movie.At ang huling kawirduhan ni Kaloy…
May dalawa akong natatanging pangarap. Una maging isang modelo ng underwear at pangalawa maging crew sa Jollibee! Haha. Marami pang kasunod ang mga kwentong kusinero ko sana huwag kang magsawang magbasa ng mga ito.😀