Hindi ako singer, kaya hindi ako naging music lover. Pero umiikot ang mundo, nagbabago ang tao.

“I’m not the easiest person to love
I’m often the one who lets things go unresolved”

‘yan ang unang narinig ko pagbukas ko ng link, bigay sa akin ni Fen. Batang tawag sa akin ay kuya dahil mas matanda ako sa kanya pero mas maraming talento kesa sa akin. Alam ko ‘yun, kahit hindi ako madalas sa tambayan ng theater guild organization ko. Kahit sinasabihan niya ako na bilib siya sa pag-arte ko.  Basta alam ko lang, lahat naman tayo may pakiramdam, instinct kung baga. Ramdam natin kung totoo, plastik, impostor o gago ang mga nakakasalamuha natin.

Hindi ako active sa org, ko kahit nung nag-aaral pa ako. Bukod kasi sa busy, sadyang time conscious ako, tipong ayaw kong nagtatapon ng oras sa pagtambay at pakikipagkwentuhan, noon. Ngayon ko lang narealized na hindi pala aksaya ng oras ang pakikipagkaibigan. Sayang ngayon ko lang narealized.

Pero kahit hindi ako aktibo sa mga proyekto ng TG (Theater Guild) lagi akong present kapag may audition. (Nagagawan ko ng paraan, nabibigyan ko ng oras.) At kadalasan nabibigyan ako ng magandang papel o kaya magandang feedback at kumento sa mga ginagawa ko. Minsan nga may nagsabi sa akin.

“Bakit ikaw kahit hindi ka madalas sa tambayan lagi kang nabibigyan ng magandang roles?”

Unfair nga siguro, pero wala naman nagsabing dapat fair ang mundo. Kaya pinagpatuloy ko ang pagiging palitaw sa org. ko.

Ang masama lang, habang marami akong oras para sa mga pansarili kong gawain, marami din palang oras ang naitatapon ko sa pagkilala sa organisasyong matagal kong pinangarap.

Buti na lang may mga kagaya ni Fen, mga batang imbis ako ang umaalalay, sila pa ang nag-aabot ng kamay para sabihing, welcome parin ang mga katulad ko.

“I’m not too proud of some things
I’ve done in my life
The skeletons in my closet
Are too big for me to hide”

Akala ng ilan malaki na ang ulo ko, lalo na siguro noong pumasok ako sa teatro (literal na medyo may kalakihan nga siguro ang ulo ko, pero alam ko hindi ako ganun.) Wala pa akong napapatunayan, kaya wala pa akong karapatan magmalaki, o kahit kahit kailan at kahit sino’y hindi magkakaroon ng karapatang magmalaki, may napatunayan man o wala. Parepareho tayong nilikha ng Dyos at parepareho tayong umiinom ng tubig, mineral man o hindi.

“‘Cause everyone needs a friend to hold
When it’s cold outside
And there’s no place to go”

Sa mga panahong akala ng mundo’y masaya ako sa tagumpay subalit lingid sa kanilang kaalaman na ako’y mag-isang nalulumbay. Ang mga kaibigan ko ang sa akin ay umalalay, pati sa blog na ‘to malaki ang utang na loob ko, at kasama kayong mga nagbabasa ngayon nito.

“‘Cause you choose to be
On the side of me
On the side of me
What a mystery
You’re on the side of me”

Ang sarap makinig sa kanta, kapag alam mong may kasama ka mapaiyak ka man nito o mapatawa. Maraming salamat sa lahat ng naniwala at naniniwalang si Kaloy ay may kwenta!

(Hindi ko naman birthday pero wala namang rules na nagbabawal magpasalamat sa mga kaibigan at nagmamahal.) Kilala niyo kung sino kayo.😀