Lagi namang malungkot ang goodbye, pero looking back.

Hindi naman naging masamang paglalakbay ang nakaraan. Marami akong natutunan marami akong nasubukan at marami akong nakilala lalo na ang aking sarili.

Today will be the last day na aasa akong daraan ang shooting star mamayang gabi, puputi ang uwak at sisilip ang buwan kahit walang eklipse.

Pero bukod doon, ito siguro ang araw na tatanggapin kong lumipas na ang kahapon at may bukas na naghihintay sa katulad ko. Sapat na ang sampung buwan para masabi kong karapat dapat na akong lumaya sa anino ng matamis na kahapon. Lahat naman tayo may karapatang sumaya, baka talagang nakatadhanang mauna lang siya.πŸ™‚

Let Go and Let God.