Bigyan mo pa ako

ng huling tatlong araw

Huling pagkakataong

ikaw ay matanaw.

 

Muling mamasdan

ang mga larawang iginuhit,

at mga mensaheng

buong tamis mong sinambit.

 

Hayaan mo muna ako

magtampisaw sandali.

Sa mga alalang buslo

ng dating pagtangi.

 

Tatlumput dalawang oras,

na lang ang nalalabi.

Sapilitang pagkalas

sa pag-ibig kong sakbibi.

 

Maaring ito na nga

ang huling busal ng bibig.

Mahal kita sinta

Ang huli mong maririnig.