Nagtatago parin ako

sa mga memoryang

binuo natin, at binuwag ko.

Na ako ang natabunan.

Ako ang naiwanan,

gayong ako ang nang-iwan.

Ako ang ipinreso

Sa rehas ng karahasan ko.

Mag-isa, madilim

At ang masaklap

-wala ka na.

Habang ako’y naninimdim.