‘di parin tumatalab ang Biogesic na ininom ko kanina

-kahit walang laman ang tiyan. Wa epek din ang Cobra,

na nangakong kung meron ako nito, wala akong talo.

Pati nga ang sim kong Globe na sinabing abot ko ang mundo

-nagkamali din. Masakit parin, talo pa din, kagaya kahapon,

noong isang linggo, o noong nakaraang taon.

Hindi ko alam kung sadyang hindi mo natatanggap,

o kusa mong hindi tinatanggap ang aking mga pakiusap.

Baka ayaw muna nga talaga, baka sawa ka na.

Siguro totoong masaya ka ng mag-isa o sa piling ng iba.

Puro hinala, pag-aakala. Dahil hindi ko na alam

mula ng ako’y nagpasyang magpaalam.

Siguro nga ako ang pinaka ikinahihiya mong ex

kaya turing mo sa akin ngayon ay brand x

-laging talunan pagdating sa labahan

pati sa paghingi ng kapatawaran sa puso mong nasaktan.