Naisip ko lang, parang ang konti ng mga blog na sinusundan ko kaya halos paulit ulit ko na lang binabasa ang mga blog post sa reader ko..

Hindi ako techie kaya hindi ko alam paano ko maipagsasama sama mga makukulit na bloggers para mabawasan naman ang pagka boring ko sa bahay.

Tara magsama sama tayo! Paki comment ang mga link ng blogs niyo para masundan ko kayo. Mas marami, mas masaya. Sino sino pa ba ang magsasama sama kundi tayo-tayo lang diba? Bumuo tayo ng sandatahang bloggers para kapag may plagiarism na nagaganap sa mga kapwa nating tagapag sulat, may laban tayo. Hehe.

 

P.S paki lagay na rin ang mga link ng blog na irerecommend niyo ahh. Salamat!