Sinong mag aakalang pagkatapos ng tatlong taon ng pag-aaral sa bawat kabanata ng paborito kong subject na Noli Me Tangere, dito rin pala iikot ang magiging una kong trabaho.

Sa dalawang taon ko sa kolehiyo, maraming nagbukas na bagong mundo para sa akin. Nakilala ko ang papel at natutunan kong gamitin ang ballpen. At ng marunong na akong sumulat, napadpad naman ako sa teatro.

Iniwanan ko ang eskwela, binitawan ko ang panulat at papel. Umarte ako, umiyak, tumawa at binigyang buhay ang awitin at panaghoy ni Elias. Ibinalik ako sa Noli at ibinalik sa akin ang aking panulat.

Nakatutuwang isiping binigyan ako ng pagkakataon ng mga kasamahan ko sa teatro upag lumikha ng ganito. Alam kong maraming kape pa ang iinumin ko sa mga darating pang puyat at malaki laki pang eyebags ang iipunin ko, pero masaya akong naka unang hakbang na ako sa pagiging tunay na manunulat at alagad ng sining.

 

Bonus! Narito ang trailer ng Noli Me Tangere: The Philippine Musical Tour. Enjoy!!🙂 http://www.youtube.com/watch?v=kHZNQkiRxuU