Hindi pala ‘to parang laro

Na mag jajak en poy muna

Na dapat may taya,

matatalo o mananalo.

 

O larong may pusta,

na may kakabid

at uuwing nanghihinayang.

 

Hindi rin ito piko,

na pinaplano ang hagis

ng pato o paunahan magkabahay.

 

Kasi sa pag-ibig, walang rules.

Dapat walang taya, o pusta.

Wala din dapat natatalo.

 

Pero dahil kadalasan, nilalaro,

ayun, marami ang umuuwing luhaan.

Kagaya ko. Masaklap lang

Ako ang pasimuno

Ng nilaro kong puso.