Daig ko pa ang anino

Sunod ng sunod sayo

Kahit ‘di mo pansin

Kahit aking sabihin.

Ipagtapat ang aking lihim

Matagal kong kinimkim

Dito sa aking puso

Pag-ibig ko’y itinago.

Dahil mabuti pa ang anino

Nakakasama mo.

Hindi kagaya sa akin

Anino mo sa dilim.