Naiinis ako sa gabi

Pati sa antok

at sa mga tugtog

ng radyo sa cp

 

Laging binabasa

-ang paborito kong unan

minumugto ang mata,

na pilit pinupunasan.

 

Niyayakap ang mga tuhod

tinatahan ang hikbi,

sinasara ang mga labi

binubura ang lungkot.

 

Pero mas inis ako sa umaga

matagal kong hinintay.

Pero ganoon din pala,

sa kanya, matagal na’kong patay.