Sinong mag-aakala?

Ilang buwan na ang nakalipas. Nagpasya ako makipag sapalaran sa mundo ng teatro. Iniwan ang aking pag-aaral, sinunod ang aking gusto. Hindi pala madali, maraming beses kong ninais umuwi. Umuwi sa dati kong buhay, kung saan ako’y isang pangkaraniwang taong hindi nakikipaglaro sa pakiramdam.

Theater is not easy, it will make you cry it will make you laugh, even if you don’t want.

Pero sa huli, kahit gaano pa kahaba ang daan. Darating ka din sa nais mong puntahan, basta huwag kang susuko. Maari kang huminto at magpahinga sandali, ngunit dapat alam mo rin kung kailan ka babalik sa paggapang, sa paglalakad,  sa pagtakbo.

Liko-likong karanasan ang dinanas ko, hindi ko kabisado ang bago kong mundo. Pero malakas ang loob ko dahil ayaw ko makulong sa luma, sa alam ko na sa sinasabi nilang tama at dapat. Nagpatuloy ako, pinagpatuloy ko.

Draining ang trabaho sa teatro, draining sa lahat ng aspeto. Lalo na kapag sinasabi ng Director namin na wala pa kaming show. Mas nakaka-frustrate pa na isang araw bago ang show “We still don’t have a show” ang maririnig mo.

At ang pinakahihintay na araw ay dumating na. June 19, 2012. A day to remember. Hindi ko akalain na ganon ang mararamdaman ko. Ni hindi ko naisip na halos 12hours na pala akong hindi kumakain, na pagod pala ako, ni hindi na nga ako nahiyang maghubad sa harap ng mga kasama kong cast. Basta ang alam ko nang mga panahon na iyon, masaya ako.

During the curtain call ibang iba ang pakiramdam. Iyon siguro ang dahilan ng maraming theater artist kung bakit hindi nila maiwan ang teatro.

Ang pakiramdam na pinapalakpakan ka ng mga taong hindi mo kakilala na natuwa at naramdaman ang saloobin ng karakter na isinasabuhay mo.

This first show will always be in my heart. Alam kong hindi perpekto ang mga nangyari, ang mga naganap. Pero wala namang perpekto sa mundo hindi ba?

Ano man ang mangyari sa mga susunod na araw, alam kong hindi na ako ang dating Kaloy hindi ko alam kung tama o mali pero alam ko, nag-mature ako sa mundong pinasok ko, and I’m proud of it!