Kung kahinaan nga ang pagsuko, ako’y isang lampa sa aking nais.

Isang kaawaawang dagang naghahangad ng pagtakas -nang lungga.

Ngunit hindi ba’t paglaban din ang pagtakbo? Ang pagtago?

Kung saan pilit humahakbang palayo ang mga paang ngalay na sa pagtayo.

Pagtayo, sa gitna ng apoy na unti-unting lumalapnos sa akin.

Natutunaw ang aking mga mata sa pagluha ng hapdi.

Napupudpod ang aking dila kasabay ng pagdidikit ng aking mga labi.

Marahan na pumipikit ang aking mga matang nilulukuban nang dilim.

Ayoko ng dumilat! Subalit kailangan kong makita ang liwanag.

Hindi man para sa akin, kailangan ko itong gawin.

Upang mapatotohanang, kung kahinaan nga ang pagsuko.

Hindi ako mahina!