Minsan mahal kita,

madalas hindi.

Kasi iniisip ko

masasaktan lang ako.

O masasaktan lang kita.

Palagay ko nadaya ako,

pero alam kong nandaya din ako.

 

Hindi na nga ako nagtaka,

nang nagpasya kang lumisan na.

Alam ko, darating ang araw na ‘to.

 

Lahat naman alam ko.

Lagi ko naman pinangungunahan ang mundo.

 

Pero ang hindi ko inasahan,

ako ngayon ang maiiwanan.

At ngayon ko lang nalaman,

masakit pala ang ganitong pakiramdam.

Tipong, biglang mag-isa ka na lamang.