Lumilindol nang magtagpo ang ako at ikaw.

Tila mga ulap ay sumisigaw -humihiyaw.

Hindi ko mawari kung masaya sila sa ating pagkikita.

Kung sabagay, hindi naman mahalaga ang sasabihin nila.

Ngunit alam kong tigang noon ang lupa,

halatang uhaw. Sa ilalim ng nangingitim

na kalangitang bughaw. Bumagsak ang ulan,

bawat patak ay sumasayaw. At sa bawat indayog

dibdib ko’y kumakabog. Namugto ang aking mata –

sa tuwa na nagtagpo din tayong dalawa.

Sa wakas hindi na ako matitigang pa.