Sa panulat at papel

nailahad ko na

-mahal kita.

Ang dingding at pader,

naririndi na

-awit ng harana.

Sa bawat sulok ng puso,

sa bawat kanto nito,

nakaukit ang ngalan mo.

Ngunit, sa iyong harapan,

ako’y anino, takot sabihin;

Maging sa dilim,

hindi kita iniiwan

dahil ako’y iyo subalit ‘di mo alam.