Pagkatapos kong mapag alamang Literary Editor ako, may nag text ulit!

What: Team Building
Where: Paaralan ng Banal na Anghel
When: Ika-20 ng Abril, ganap na alas nuebe ng umaga.
Who: Ikaw!

Dahil tambay lang ako sa bahay at medyo bored ako sa buhay. Pumunta ako, syempre bitbit ko ang virtue ko. Ulirang late award.

White t-shirt daw. Naka military shirt ako, dark green. Para akong kabayong tumakbo papuntang banyo. Yes! May nagpapalit din, nangangahulugan HINDI pa ako late.

Takbo habang bukas pa ang ofis, sabi nung babaeng may dalang purple na ribbon. (Sumunod naman ako, feeling ko tuloy na sa SURVIVOR ako)

Pinaiwan sa loob ng ofis ang sling bag ko na may tatak ng aking paaralan. (Mura lang 130 petot) Tsaka na ako pinapunta kung nasan ang iba.

Nabigla ako, ang dami na nilang naghihintay. May pila-pila at may iba’t ibang kulay ng ribbon na nakatali sa bawat braso ng kupunan. Pumila ako sa may purple, ‘yon ang kulay ng ribbon ko.

Grabe, halos hindi ko pa nasisinghot ang pagka-komportable sa aking pinasukan todo sermon na ang inabot namin.

Mali ang akala ko, late na pala talaga kami. At damay pati ‘yong lalaking nakasabay ko sa banyo kanina, na kagrupo ko din pala.

“Ilagay niyo na ang inyong mga piring sa mata” sabi nung babaeng may alambre sa ngipin. (Ano ‘to? Hazing?)

Ibinilad kami, pinatakbo, lakad, gapang, hubad (O.A na ung hubad, pangarap ko lang ‘yon) basta madami silang pinagawa habang nakapiring kami. Pinakain kami ng saging na nginuya ng bawat miyembro tsaka niluwa. Binaboy nila ang pagkatao namin, (ka O.A yan ko nanaman). Pinarusahan din ang mga late, mabibigla ako kung hindi ako kasama sa mga ‘yon. Pina-spell sa amin ang aming mga pangalan gamit ang … Tama! Gamit ang pwet.
Buti na lang maikli lang ang buong pangalan ko.

Pagkatapos noon, ibinilad kami ulit. Nag habulan ng buntot, nagsaluhan ng itlog.

Pero natuwa ako ng marinig ko ang isa sa mga kasamahan kong tinatawag ang kaibigan niya.

“Pokwang!” sabi nung babaeng medyo may katilusan ang baba.

Tumawa ako, narinig nila. Kesa magpanggap na hindi ako tsismoso dahil pinakikinggan ko sila. Nagpaka f.c na lang ako.

“Ano nga ulit ang tawag mo sa kanya?” tanong ko dun sa babaeng may deadly weapon.

“Pokwang” ulit niya. Natuwa na din.

Tumawa ako lalo, at tinanong naman kay pokwang ano ang tawag niya sa kaibigan niya.

“Ai-Ai” maikling sagot nito. Tsaka kami nagtawanan.

Pero sa likod ng mga tawang ‘yon. Nabilib ako sa mga tao ng bagong mundong kinasangkutan ko. (Namiss ko tuloy ang mga kaibigan kong totoong tao, hindi robot at lalong hindi plastik)

Ang huling task na ginawa namin (wow parang PBB lang) pinag duck walk ang mga pinuno ng bawat grupo sa paligid ng lahat ng miyembro. At dahil umalis kaagad ang pinuno ng purple team ako ang maswerteng pinili ni Sir Pabs. Kung nagtataka kung bakit ako, ako din.

Matinding pangangalay ng binti ang inabot ko bago natapos ang task. Kasi naman ang tagal bago magkusa ang bawat miyembro na makisalo sa pagda-duck walk namin. ‘yon lang pala ang nais ni Kuya este ni Sir Pabs. Iniative sa tagalog PAGKUKUSA. (Hala mahirap pa naman hanapin sa mga noypi ‘yon) tsk.

Natapos ang team building sa isang mahabang pagsha-share ng lahat. Isa ata ako sa mga may pinaka mahabang sinabi. (Sabi na eh, certified madaldal si Kaloy) Ahaha.

“Do everything you can, lahat ibigay mo. Without compromising your values.”

‘yon ang isa sa mga isang daang quotes na ibinahagi ko sa kanila. Ang iba nakatulugan na nila, at hindi ko na maalala.

Bilang pagtatapos, umalis ako ng mag-isa. Dahil bagong kakilala ko nga silang lahat. Pero, habang naglalakad ako palayo at bilang background music, tumutugtog ang kanta ng Aegis “Basang Basa sa Ulan” pinagkaiba lang, bilad na bilad ako sa araw ng mga panahong ‘yon. Naisip ko, hindi na sayang ang 18.50 kong pamasahe para maka punta doon.

Lyrics to Bilad na Bilad sa Araw:
Heto ako ngayon, nag-iisa
Naglalakas sa gitna ng skul-gym
Lagi na lang akong nadarapa
Ngunit heto, bumabangon pa rin
Heto ako, bilad na bilad sa araw
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana’y may luha pa, akong mailuluha
At ng mabawasan ang aking kalungkutan

Repeat 2x fade..

P.S: Noong GRADE 2 ata si Sir Pabs nagawa na niya lahat ng ginawa namin ng nakablindfold at nakatali ang katawan. Bunganga lang ang gumalaw. Amazing!