Puro pag-ibig.
Parang tubig
sa mundo -madami.
Pero ang sabi-sabi.
Hindi nakabubusog
ang pusong kumakabog.
Kaya nagpasya ako
mag-ipon sa bangko.

Pero hindi din pala
nakakain ang pera.
Ang masaklap pa,
napabayaan kita.