Lumipas ang araw
kumupas ang buwan,
nangalay ang hangin-
hindi na umihip.
Napundi ang mga tala,

Marahang nawala
ang wala. Na meron
naman talaga.
Pag-ibig, pagsinta?
Marahil hindi pa,
pero mahalaga siya
at lumilipas ang araw,
kumukupas ang buwan.
Napupundi ang kinang
ng mga talang marikit,
nangangalay umihip
pati ang hanging sumasambit..
Kapag wala ka,
pundido ang bumbilya,

-madilim.