Hindi ko alam paano ko sila naging kaibigan. At sigurado ako, hindi mo rin alam.

Sa tinagal tagal kong tao dito sa mundo napaka dami na ng naging kaibigan ko. At peksman, hindi ko pinlano ang naging kinahantungan ko. Night ang shining armor ng apat na dalaginding, pangit ang word na “dalaganding” baka isipin mo mukha silang mga bata, as of my last view to them kanina.. Mukha na silang may mga anak na bata. Medyo tumatannda na nga kami.

Kakauwi ko lang galing Mexico, pero sa loob lang ng Pilipinas. Mexico Pampanga; bahay ni Anne (isa sa barkada). Doon namin ginaganap ang taunang pangungutya at pang-aalipusta sa isat-isa ng barkadang kung tawagin namin ay “SWAK” kung bakit ganun ang pangalan? Nakalimutan ko na din.

Nakagawian na namin ang ganon, get together. Dahil nga mahirap hulihin ang mga free time namin kaya sa tuwing bakasyon at may kainan kina Anne namin ito ginagawa. Sa taong ito, graduation ni Terens (kapatid ni Anne).

Pero para mas malinaw ang kwento, let me introduce the swakers one by one. Alphabetical order:

Anne: Babae, accountancy, may mild tigyawat syndrome, kwela, relihiyosa, (may nakita kasi kaming tatlong printed bible verses na nakadikit sa pader sa bago niyang kwarto na kulay orange at may hindi gumaganang doorknob na feel na feel parin namin inbinabagsak kahit alam naman namin na hindi naman magla-lock)

Bel: Babae din, Eduk major in.. ehem! English. Dati din siyang may tigyawat syndrome kagaya namin ni Anne, pero nahanap na niya ang kanyang hiyang na sabon. (Kojic daw) Pero hindi pa niya natatagpuan ang hiyang niyang pampapayat. Siksik liglig parin kasi ang bilbil ni Bel.

For more info about her, naikwento ko na siya sa mga dati kong post: https://kaloytoots.wordpress.com/?s=beloy

Cler: Babae, na ngayon. I.T. Mayaman, dati. Mayabang na lang ngayon, siya lang kasi ang may lablapy sa barkada as of now. Medyo tumatagal nga sila ng boypren niyang Criminology eh, nakakabahala baka kapag nag L.Q sila pagkamalang dart board ang bibiluging niyang mukha.

Last but not galis,

Gara: Babae (hindi ako sure kung tunay) maitim, Arki part time katulong sa kanilang tahanang walang dumi (araw-araw ba namang maglinis si Gara sa utos ng kanyang butihing ina) role niya sa barkada: taga tawa.

So ngayong may snikpik ka na sa mga kaibigan kong kulang-kulang pero buo. Isasalaysay ko naman ngayon ang sanhi at bunga ng aming pagbabarkada.

Noong unang panahon kung saan tatlong pirasong pimples pa lang ang tumutubo sa aming mga malasutlang mukha. Magkabarkada na sina ABC A.K.A Anne, Bel, Cler samantalang sa kasawiang palad kasama ko naman sina Art, Deth, Gara, Mitch A.K.A PG (kung bakit PG hindi ko na din alam, at ayoko na ding malaman)

To make the nobela short, kung ang puno nga nalalagasan ng dahon barkadahan pa kaya? Nagkahiwahiwalay ang PG at kinupkop kaming dalawa ni GARA ng ABC. Hanggang sa pumili kami ng mga kursong hindi namin sinadyang hindi magkakatugma. Akala ko ‘yon na ang bubuwag sa mga sanga ng barkada ngunit bagkus ay nagbigay daan upang mamunga pa ang aming pagkakaibigan, gamitan, asaran, gaguhan, alaskahan, lahat ng salitang may an except sa may “kanto” ahh maraming tambay dun. Lol kung nagets mo ang binitawan kong joke. Confirmed! Green minded ka, kung hindi mo naman na gets, ooops hindi na pwedi balikan, utak grade one ka sa iyong kainusentihan!

Pero no joke marami na kaming pinagdaanan, maraming characters ang nainbolb na kung isasama ko pa dito eh magmumukha ng yearbook ang post ko, dumaan na kami sa mabato, maputik, baku-bako, uka-uka, butas-butas (dinisdescribe ko ba ang aking mukha?) Basta tried and tested na ang mga ‘yan ika nga. Pero ang hindi ko makakalimutan ginawa nila para sa akin eh ng tinulungan nila ako pakapag enroll sa katatapos lang na school year.

Hihinto na muna dapat ako dahil nga sa kakulangan ng fans este ng alam muna, hindi mo pa alam? O sige choices:

A. sex appeal (malamang hindi, oozing with sex appeal ako eh)
B. kagwapuhan (ehem, tigyawatin man ang aking mukha, may itsura naman ako na hindi mo maikakaila!) -sabi ng nanay ko
C. wala sa nabanggit.

Sinanla ni Cler ang ipod niya, nag ambagan ang barkada. Presto! Nakapag enroll ako at hanggang ngayon hindi parin ako bayad sa kanila.🙂

Kadalasan ginagawa namin kapag nagkakasama kami, swimming, hiking, nature tripping (pawang mga taga bundok kasi sina Bel at Anne) at hindi maalis ang food trippping! Natatandaan ko last year ginawa namin naglakad kami papunta sa kubo nina Anne medyo mainit at malayu-layo ang lakaran pero sulit naman nakapag pahinga kami at nakapag bonding. Pero iba ang nangyari kahapon at kanina.

Bago kami tumungo kina Anne, binilhan namin si Terens ng cake. Para may masabing may regalo kami. “Happy Fiesta! Congratulation to us; SWAK” yan ang dedication na pinalagay namin sa cake- walang bahid ng pangalan ni Terens at walang kakonek konek sa okasyon.

Pagdating doon, nagkumento kami sa bawat ditalye ng bagong kwarto ng aming kaibigan. Tawanan, kwentuhan. Pagkatapos naming gawing katatawanan pati ang gagambang nakatambay lang sa kisame ng bagong silid. Kumain na kami.Kumain kami hanggang sa halos pumutok na ang mga tiyan namin at maluha na kami sa sobrang katatawanan. Kain, kwentuhan, hugas ng pinggan kinabukasan. Wala na ang mga bisita kami na lang ang natira (pinasasalamatan ko na laging KAMI ang natitira)

Kain, kwentuhan, asaran, tawanan. Ganyan natapos ang aming taunang pagsasama ng kumpleto. Hindi ko din alam, pero pagka uwi ko. Masaya ako. Alam kong isang taon nanaman ang kailangan kong hintayin upang sumaya ng ganito. Pero sapat ng pang labing dalawang buwan ang tawang itinawa ko kanina, sa piling ng tunay kong barkada.