“Paano ko ba uumpisahan ‘to? Tinatamad ako.” As usual ginising nanaman ako ni mama kaninang umaga. Isa ata sa mga job descriptions ng pagiging ina eh ang paggising sa mga anak niya. Oh baka nanay ko lang ang pumirma sa kasunduan ‘yon.  Pero magkagayon man, hindi siya magaling sa trabahong ‘yon. Kapag kasi sinabi mong 8:ooam malamang alas nuebe ka niya gigisingin. Sabi naman niya, mahirap lang daw talaga ako gisingin. “Alas syete pa lang ginigising na kita!! Tulog mantika ka kasi.” (Galit-galitan niyang ibubungad sayo) I doubt. Hindi ko talaga masabing ginigising niya ako, paano ba naman; isa, dalawang banayad na tapik lang, panggigising na ‘yon sa kanya. Which is not the proper way para sa akin. Dapat kasi niyuygyog man lang niya ako, or winisikan ng tubig. Basta hindi mahinang tapik lang. Hindi ako magigising dun!

Pero siguro nga totoo ang mga lines ni mama kasi naman mahilig talaga ako sa “5 min extension” hindi talaga ako bumabangon agad siguro kasi nocturnal ako. Mas gising sa gabi kesa sa umaga. Kaya nga hapon ang kinuha kong schedule sa klase. 12:25pm ang umpisa ng pasok pero kadalasan late parin ako except na lang kung gagamitin ni mama ang makapangyarihan niyang magic spell. “Kaloy! Alas dose na, hindi ka na ba papasok?” mainahon lang niyang sasabihin ‘yon sa kalahating gising kong ulirat pero kapag na-analays na ng utak ko ang magic spell ni mama. Naku para akong military na mabilis na tatayo at sasaludo sa shower. Mabilisang ligo, bihis, kain, toothbrush parang hinahabol ka ni kamatayan sa bilis mong kumilos, only to find out na nagjojoke lang pala si mama. Alas onse palang at may oras ka pang manuod ng showtime sa haba ng oras. Grabe ilang beses din ako na goyo ng modus na ‘yon. Pero sa katagalan, na immune na din ang katawan ko sa gasgas na joke ni mama.

Tamad akong:

Magising. Inexplain ko na kung bakit.

Maligo. Ewan ko ba pati pag ligo kinatatamaran ko na. Lalo na kapag nasa bahay ka lang usually kapag sabado katulad kahapon. Dahil wala naman akong lakad maghapon, so hindi ako pinawisan kaya okay lang wag maligo.. minsan.

Magsulat. Sa totoo niyan, February 5 ko pa sinulat ito ngayon ko lang naituloy dahil tinamaan ako ng katamaran. Minsan ang dami dami dami kong gusto isulat kaso nakakatamad. Malaking pasasalamat ko sa keyboard!

Narealize ko, baka hindi matapos ‘to kung iisa-isahin ko lahat ng kinatatamaran ko. Kasi, ang totoo nito LAHAT naman ata ng bagay na pwedi katamaran nasubukan ko na, kahit pagtae minsan tamad ko din gawin lalo na kapag maganda ang palabas. O kaya ang pagkain, kapag maganda ang katext. Loko lang! Sweet lang talaga ako ayoko iniiwan mga katextmates ko. Tut. (Tawang Umaapaw Talaga)

Hindi ko alam paano tatapusin to, at the first place bakit ko ba kasi sinimulan? Oh basta, simula ngayon mag-sisipag na ako! Ayun! Nakuha ko din ang gamot sa sakit na TAMADitis. SIPAG.

S-Start NOW
I-Initiative!
P-Pray (hummingi ng guidance kay Lord)
A-Act responsibly
G-Galaw-galaw baka ma-stroke.

Kaya para malunasan ang tamaditis wag sipa ng kabayo ang tunggain, kundi SIPAG sa araw-araw ang dapat nating inumin!

Yes bakasyon na! #BedFvckerMode Tut🙂