Sa paanong paraan mo ba gusto marinig,

sa paanong sakit mo ba gustong maramdaman. 

Ewan ko ba, manhid na nga siguro ako. O sadyang, mahal ko lang siya. Hindi ko ma-imagine kung anong tumatakbo sa utak niya ng sabihin niya sa aking hindi ko siya deserve, na mas may makakapag pasaya sa akin kumpara sa kanya. Sus, yan naman lahat ang pampalubag loob ng mga nakikipag hiwalay. Pinalalabas na sila ang may pagkukulang at ikaw ang kumpleto pero iiwanan.

Sa paanong salita mo ba maiintindihan, na kahit iwanan mo ako.

Hindi magbabago ang katotohanang mahal kita.

Ang laki niyang tanga, pero higante ako.