Minsan gusto ko magtago,

lumayo, mawala. Bigla

mo lang din kasi ginawa-

ang mga ‘yon. Madalas

gusto ko magtanong kung; bakit,

paano, kailan, saan?

Pero sa bawat hindi mabigkas

na tanong ng nakalipas,

nanganganak ito-

mas marami sa isa. Minsan,

hindi pa mabilang ng kamay.

Bakit mo ako iniwan,

bakit basta-basta lang.

Paano ka? Paano ako?

Paano tayo? Meron nga bang tayo?

Saan ka pumunta, babalik ka ba?

Hanggang kailan ako maghihintay?

May hinihintay ba ako?

Sino ka nga kasi?

Ina na nag-iwan sa anak?

Kasintahan na na-iwala ang pag-tangi?

Ama na sinira ang pamilya?

Anak na naligaw ng landas?

O ako na palaboy sa mundo?

Kaya madalas nais kong magtago e.

Kasi madalas pa sa lagi, hindi ko sila kilala.

Sila na nagsasabing dapat kilala ko sila;

kahit mismong sarili ko, hindi ko kilala.