Gusto kong i silent mode

ang bawat hikbi ko sa unan.

Gusto kong ma-drain

ang mga luha ko, sa walang

puknat na pag-agos ng mga ito;

bumabasa sa bawat punda at kumot.

Sinubukan kong isara ang bibig-

sa aking palad, sa aking kagat.

Wala, wagi parin ang lungkot.

Panalo parin ang sakit at

nagbubunyi parin ang hinagpis

na idinot ng iyong pag-alis!

Pakingshit until when will you break my heart?

Durog na to, pinupulbos mo pa sa bawat txt mo!