Minsan Lang 'to: Creative Writing Workshop with Ricky Lee

February pagkatapos ng Valentine’s ng mga may kasintahan, abala akong nag e-fb nang biglang nagpost ng isang poster si Frances. Alam ko staff siya ng Angelite (skul publication ng skul ko) Gusto ko sumama pero, wala akong pera para don.

Katulad ng lagi bumaba nanaman kami ni Gazu mula sa clasroom ko na nasa ikaapat na palapag. Cutting class. Naglibot kami sa mga hall at napag isipang maki-usyoso sa mga valentine’s booth sa mga pasilyo. Lakad-lakad, tingin-tingin hannggang sa makita namin ang tatlong larawan ng mga magbabarkada sa may stand-board.

“Iho, iha. Paprint kayo ng 5R picture niyo magbabarkada tapos isali niyo din dyan hintayin namin kayo malay niyo kayo pa ang manalo.” biglang out of no where na sabi ng isang babaeng naka unipormeng pang teacher.

Eto 'yong pinasa kong picture

“Sayang ang cash price.” patuloy niya. Naingganyo ako.

Nakalimutan ni Gazu ang wallet niya sa classroom, kaya ako na muna ang nagbayad ng upa sa computer at sa print ng dalawa naming picture. Tig-isa kami ng entry. The more entries, the more chance of winning!”

‘yong entry niya, picture namin sa eskwela. ‘yong entry ko, picture ng mga barkada ko nung high school hanggang ngayon. Pero madalang ko nalang makasama ang mga kengkoy na ‘yon kasi iba-iba kami ng tinahak na landas sa kolehiyo.Nagpass na kami.

“Name, course, year level at contact no. Para if ever manalo kayo txt na lang namin” sabi nung nakapang teacher na costume.

Tinamad na kami sa lakwatsa. Bumalik na kami ng classroom. Dumating ang boyfriend ni Gazu may surpresang bouquet of roses. Umalis sila noon kasama ng ideyang sumali kami ng Barkada Photo Contest.

Feb 17, isang araw bago ang creative writing workshop ni Sir. Ricky Lee. May nagtext. Cecile daw, taga guidance at pinapakuha niya ang premyo ko. Third place. Tatlong daan ang laman ng sobre. Saktong sakto sa halagang kailangan ko para bukas. Astig talaga si Lord.😀

Marami kaming natutunan ni ate Leo (kasama kong nag workshop. Napilit kong sumama ata) kay Sir. Ricky Lee. Lalo na sa mainstream writing na hindi masyado naituro noong nag workshop ako sa PAMIYABE http://www.panitikan.com.ph/event/12th-pamiyabe-fellows-named.

Miss ko na mga kengkoy kong kaibigan. Ano na kaya ang pibakaka abalahan nila habang sinusulat ko ito.