As usual nagising nanaman ako sa magic word ni mama/papa. “Ano hindi ka ba papasok?!” mabilis pa sa alas kwatro akong bumangon, naligo, nagbihis. Tada! Ready na ako para sumakay sa mumunting motorsiklo ng aking ama upang ihatid ako sa Paaralan ng Banal na Anghel. At dahil sa kakamadali, nakalimutan kong martes na nga pala – araw ng mga puso. Valentine’s Day. Hindi ko man lang na-greet si mama.

Salamat sa google, lahat maari mo ng malaman in an instant. Kaya niresearch ko ang salitang VALENTINE. At ayon sa google; pangalan pala ito ng MGA saints. A total of 14 to be exact whose feast day is on February 14. Alam na natin bakit Valentine’s day ngayon. Pero sinubukan ko ring ipa translate kay pareng google ang salitang VALENTINE gamit ang kanyang pagsasalin portion. Lumabas sa resulta na PUSO ang kahulugan nito sa tagalog. Kaya pala “Araw ng mga Puso” sa ating mga pinoy.

I repeat. Araw ng mga PUSO, PUSO, so, so, ss, o o oh. (echo fading) hindi ng kung anu-ano. ehe!😀

Pagbungad ko palang sa gate ng skul ko, tumambad na sa akin ang sandamakmak na booth at mga madlang pips na halos lahat ay nagbibitbit ng kanya kanyang bulaklak, stuff toys, unan, kumot, de lata, abre lata, kape, bigas, tsinelas, lumang damit.  (joke na ung sumunod sa unan) going back, nahiya tuloy ako sa balat ko kasi nawala talaga sa isip ko ang isa sa pinaka maharot na araw sa buhay ng isang studyante; ang araw ng mga PUSO, PUSO, so, so, ss, o o oh. (echo fading) hindi ng kung anu-ano.😀

Ngayong araw lang allowed ang pakornihan ng pakulo, payabangan ng regalo, padamihan ng relief goods este ng gifts at kung anu-ano pang kulay dugong in any shades na gamit, na hindi naman talaga kapaki paki nabang sa buhay. Halimbawa na lang. Lobo, plastik rosas, paper rosas, tunay na rosas, kahoy na ukit rosas, tsokolateng rosas, at marami pang iba hugis rosas at puso na pawang kulay dugo.

Gayunman, iba parin talaga kapag nakatanggap ka ng mga useless na usual regalo ng mga noypi sa araw ni Cupido. Iba ‘yong feeling, kahit binigyan ka lang ng papel na hugis heart na may sulat, o kaya tsokobot na niribon, or kahit lobong kulay pula (bawal kapag ibang kulay malas sabi ng feng shui). Sasaya ka. Mangingiti ka. Pakiramdam mo mahalaga ka. Kahit bungi pa ‘yong nagbigay i-seset aside mo muna un kasi iba talaga ‘yong may matanggap kang bagay na hindi mo inasahan. Kagaya nung sneakers na bigay sa akin kanina. (kaya ‘yong bumibili ng sarili nilang gift at ipapadeliver sa room? Naku peksman! Hindi totoong masaya ‘yon bro) Bakit ko alam? Wala feeling ko lang.  Basta ang baduy nun.

Kaya nga napansin ko, mahirap talagang maging single sa araw na ito. Hindi mo talaga maiiwasang ma-o.p, mainggit, at maghinanakit sa mga nagpapaligsahan sa munting valentine’s day. (sila ng masaya. sila ng inlove!) Hindi ka bitter, pero alam mo ‘yong dahil nakakainggit talaga ang sarap laktawan ng Feb 14, o kaya ang sarap i postponed at maghanap ka muna ng pagbibigyan o magbibigay sayo ng basurang may sense of appreciation. Gets mo?

“At dahil single ako ngayon, si mama na lang ang bibigyan ko ng gift.” Panata ko narin naman ito. Bulaklak! Una kong naisip na itambak sa cabinet ni mama. Pero dahil matipid ako at uso ang pag-mamahal sa araw ng mga puso. Hinintay ko ng matapos ang duty ko bago ako bumili. (Malay mo mag-mura) Alas otso na ng lumabas ako ng eskwelahan kong hindi parin humupa ang payabangan oops pasusyalan pala ay mali! Pabusilakan pala ng pusong gumastos para lang may maibigay sa jowa, sanililigawan, sa friends, sa friends with benefits, sa sarili. Hahaha! Habang abala sila sa ganun. Ako naman itong si Kaloy inumpisahan na ang pag huhunting sa lowest price flower in Feb 14! Lakad. Tanong. Lakad. Lipat. Tawad. Tanong. Wala bigo ako! Centralized ang presyo. Kahit durog, panot, tuyo at nagmumura na ang mga bulaklak sa sobrang pagka lanta, sikwenta parin ang isa! Ou, sikwenta. Tumataginting na sikwenta pesos ang isang piraso ng hindi pa halos namukadkad na rosas na hindi ko mawari kung may ginto ba sa loob ng mga talulot nito. Badtrip.:/

Umuwi ako ng bahay, walang rosas. Nakita ko ang bunso kong kapatid may cake para kay mama. Susyal! May pizza namang alay si kuya. Tsk. Anyway binigay at iniabot ko din kay mama ang isang pirasong. . Cookies and cream na GOYA!🙂

P.S: Feb 14 ay araw ng mga PUSO, hindi ng BULAKLAK. Araw ito ng pagpapakita ng PAGMAMAHAL hindi pagbili ng MAMAMAHAL. Hindi rin sukatan ang mga bitbit mong regalo sa tunay na pagmamahal sayo ng mga tao. Kadalasan ‘yong wala pang bitbit na kahit ano ang tunay na nakatanggap ng tunay na regalo ng araw ng mga puso ‘yon ay ang PUSONG NAGMAMAHAL na busilak kagaya ng namumukadkad na bulaklak! (KORNI) At huli sa lahat, hindi ko kuripot sadyang sweet lang ako. :>❤