Natutuwa ako, nangingiti

sa bawat galaw na aking

nasisilip. Sa butas

na maliit, mapang-akit.

 

Natutuwa ako, nakikiliti

Sa bawat talsik,

sa pagbuhos mo ng tubig

lumilinaw maseselan

na bahagi. Nais kong madampi.

 

Natutuwa ako, nanlalamig

sa bawat kong dungaw, tinatayuan

ng balahibo mula batok pababa

hanggang braso. Tumitili

laman ng aking dibdib

 

Natutuwa ako, tinitigasan

ang mukha sa bawat tikim.

Maibsan lang ang anyaya

ng makulit kong pag-aari