Napa haha ako
pagkakita ko sa blog mo.
Maganda, instant admirer
si kaloy, pero.

Napa haha ako,
pramis man.
Iniskrol down ko
ang mouse na mailaw.

Parang hinuhubaran.
Parang saging
nakakabitin,
ang dahan-dahan.

Tapos napa haha ako,
Paano kasi;
Hindi nga pala kumakain
ng saging si Kaloy.

Wala tuloy ako nabasa.