Maliit na notebook
mga one forth
ng yellow paper;
Listahan ng utang.

Kasing kapal
ng mukha ko
ang kapal nito.
Tubong lugaw.

Huwag lang
mabulahaw.
Kundi, lagot
Kay kapitan satanas.

Marami kumakapit,
Meaning: madaming gipit.
Sa listahan ko umaasa
Sa sungay ng bumbay.