Lagpas ala una na ng umaga, kasinglalim na ng sugat ng puso ko ang gabi.

Tumiklop narin ang liwanag ng buwan. Kasabay ng aking pagkabingi.

Pagkabingi sa ingay ng katahimikan, at sa walang humpay na sigaw ng kawalan

na sa akin ay hindi tumigil sa kahihiyaw sa walang kwenta mong pangalan.

Masakit, alam kong wala na ang umaga. Natapos na ang kahapon;

kahapong mulit muli kong binabalikan ngunit dapat ng itapon.

Ilang oras mula ngayon, darating na ang bukang liwayway;

na siyang hihilom sa sugat sa bawat mong pinatamis na latay

ng huwad na pag-ibig na sa akin ay iyong buong linlang na inialay

walang ibang kapalit kundi ang habangbuhay kong pagkalumbay.