Tama ba ‘tong gagawin ko? No choice. Wala ng time mag-isip.
“Tara pare yosi lang muna tayo, wala pa naman si sir” Aya ni Philip.
Sige ba! Tara. Sandali.. May nakalimutan ako sa room, una na kayo.
“Bilisan mo” Ou, bibilisan ko. Mabilis lang ‘to. Sana, siguro.
Tama ba ‘tong gagawin ko? No choice. Wala ng time mag-isip.
Busy lahat ng classmates ko, ni hindi man lang nakuhang sumilip.
Binuksan ko ang bag, dinukot ko ang wallet, kinuha ang walong libo
Para akong invisible, lahat malabo. Lahat hindi kumikibo.
“Nagbayad ka ng tour?” tanong ni Lee. Teacher’s pet. Sipsip.
Tang ‘na bigla ako nanlamig. Kailangan sumagot “ou” halatang pilit.
Ilang minuto katapos ng yosi break, nangamoy na ang baho.
Marunong din pala ako magdasal, marami din pala ako kilalang santo
Mali ‘tong ginawa ko. Pero no choice. Wala ng time mag-isip.
Basta ako makakasama sa tour, bahala na si pareng Philip.