Sa panahon ng kagipitan;

kung saan inulila

ng amo ang alagang pusa.

Sadyang, pati daga.

ay magiging matalik na kaibigan

ng abandunadong pusa.

Subalit, darating ang oras

na magugutom ang dalawa,

at babalik ang realidad

na ginamit, at gagamitin lang

ng bidang pusa,

ang munting daga.

sa makasarili nitong

tagna.