Si Joy. . Kalog yan! Masayahin at palagiling nakangiti. Mabait, pero masungit. Palaban pero marunong magpakumbaba. Matapang na iyakin, masipag na mahilig matulog ‘pag hapon. Mahilig magsimba si Joy, pero mahilig din siya mag bingo. Ou sugarol siya, bungangera, pero sobrang maalaga niya. At alam niya kung kailan ako masaya, malungkot at walang pera. Medyo bansot siya, pero cute. Kahayt niya ang dating pangulong Gloria Arroyo. Pero di hamak na mas maganda ang buhok niya! Long, shiny and glowing pero rejoice lang ‘yon! Promise. Palmolive pala.  (Ako pinapabilhan niya ng shampoo eh) Minsan tinotopak din siya, armalayt portion ang tawag ko dun. Tipong tuluy-tuloy siyang magsasalita na parang nakainom ng floor wax liquid kaya napaka dulas ng dila.  Pero seriously, kung papipiliin ako ng Dyos kung siya parin? Paulit-ulit kong pipiliin si “JOY”‘ paulit-ulit kong pipiliing maging anak niya.

Twelve years old palang daw si mama noon ng iniwan siya ng tatay niya sa Clark (Pampanga) kina tita niya, mula sa Tacloban (Leyte). Sabi daw ng tatay niya papasyal lang sila. Hindi niya alam iiwanan na siya doon kasi pag-aaralin siya ng tita niya na may asawang kano. Nag-aral si mama sa school kung saan ako ngayon nag-aaral. Nakilala niya si papa dahil kay Lolo Jessy. Nagtatrabaho noon si Lolo Jessy malapit kina mama, tapos nireto niya si papa kay mama. Naging mag phone-pal tapos one time nagsama na sila. Kasama na ni mama si papa nung nag-graduate siya ng high school. Coke at monay lang nga daw ang handa niya nun. Pero masaya kasi magkasama sila. Nagka anak si mama 15yrs old lang siya, si kuya. Pumangalawa kay kuya si kuya Jomar. Namatay. Premature baby. Sumunod naman dun si ate. Tapos ako. Tapos si Goyong. Bunso.

Pinalaki kami ni mama ng maayos, I must say na maayos niya talagang nagampanan at ginagampanan ang pagiging nanay niya sa aming apat. Nurse na si kuya, may baby na si ate, HRM student ako at mag ga-graduate na ng high school ang bunso kong kapatid. She really tried to be the best mom to all of us and she did.

Dabarkads ko lang si mama, hindi kasi masyadong malayo ang henerasyon niya sa henerasyon ko. Bagets at feeling cool din siya. This coming April 21, mag 40yrs old palang siya.

Hindi ko na matandaan kung kailan ‘yon, pero siguro last two years mom went to an operation. May cyst kasi siya sa may left jaw. The operation went well. Pero recently, mom’s right eye is bulging out. Akala namin goiter, or namamagang ugat lang so last saturday Feb. 28 nag decide na ipa check up na to kill our premonition only to find out that the result will just make us more distraught about the lump of my mom’s right eye. Sabi kasi nag doctor wala namang problema ang mata niya at ang nerves ng mga ito. Pero, may bukol ‘yong buto sa likod ng eye ni mama which he can’t tell kung ano kaya kailangan pa ng further check up na ginawa naman ni mama kasama ang kuya ko. And pag-uwi ko kanina the saddening news blurted.

“Gusto daw ng doctor na alisin ang kanang mata ko.” sabi ni mama.

Kailangan daw alisin ung bukol pero matatamaan ang mata ni mama, tsaka kung pwedi man daw iwasan ang mata at if ever cancerous ung bukol kakalat lang din daw ‘yon sa left eye kaya mas maigi ng alisin ang right to prevent that dilemma.

Bilang anak, nakakapanghina ang ganoong balita. Yet, shit happens. And we can’t really curse anyone kapag sinusubok na tayo ng tadhana…